Hiling na maagang arraignment ni Bedol kinatigan ng korte

KINATIGAN ng Pasay Regional Trial Court (RTC) ang inihaing motion ng kampo ni dating Maguindanao provincial elections supervisor Lintang Bedol para gawing mas maagsa sa Marso 19 ang arraignment sa kasong electoral sabotage.

Ayon kay Pasay City RTC Branch 112 Felda Domingo, itinakda ni Judge Jesus Mupas ang pagbasa ng sakdal kay Bedol sa Marso 15 kasabay ng pagdinig sa mosyon ni dating Pangulong at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
na makapagpiyansa.

Una nang naghain ng mosyon si Atty. Renaldo Princesa, abogado ni Bedol, na gawin sa Marso 13 ang arraignment upang makasabay sila sa pagdinig ng motion to bail ni dating Pangulong Arroyo.

Sinampahan ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong electoral sabotage sina Bedol, dating Pangulong Arroyo, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Andal Ampatuan, Sr. at dating Comelec chairman Benjamin Abalos kaugnay sa naganap na dayaan sa 2007 election.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply