Hiling na speedy trial ni CGMA pinagbigyan

PINAGBIGYAN na ng Pasay City Regional Trial Court ang kahilingan ng kampo ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo na mapabilis ang pagdinig  sa kanilang inihaing motion to fix bail.

Dahil dito, itinakda ni Pasay City RTC branch 112 Judge Jesus Mupas sa ika-15 ng Marso ang presentasyon ng ebidensya, samantala sa ika-29 naman ng Marso ang kaugnay na pagdinig hinggil dito.

Binigyan naman ng korte ang prosekusyon ng hanggang ika-12 ng Marso para maghain ng komento sa mosyon na makapagpyansa si GMA.

Kasabay nito, iginiit ng depensa na karapatan ng bawat mamamayan na humiling na makapagpiyansa sa reklamong inihain sa kanila.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply