Hinay-hinay sa pahayag vs NoKor– Miriam

PINAGDADAHAN-DAHAN ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang Malakanyang partikular si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa mga pahayag nito hingil sa North Korea.

Ito ay dahil sa plano ng naturang bansa na magpalipad ng rocket-powered satellite na nakatakda sa April 12 hangang16.

Batay na rin ito sa pahayag ni Gazmin na kailangang dagdagan ang tropa ng mga Amerikano sa Pilipinas dahil sa lumalaking banta ng North Korea sa Asya.

Pero para kay Santiago, sa sandaling dagdagan ng US Forces sa Pilipinas ay magiging magnet ito upang pag-initan ng North Korea ang bansa na maaaring maglagay sa panganib sa mga Filipino.

Pinayuhan naman ni Santiago si Pangulong Bengino “Noynoy” Aquino III na kung nais nitong magsalita laban sa North Korea ay kailangang ihayag sa United Nations dahil ito ang tamang forum para sa nasabing usapin.

Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Malakanyang na may ginagawang paghahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa nakatakdang satellite missile launch ng North Korea sa susunod na buwan.

Una nang naglabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pagtutol sa nasabing hakbang ng Pyongyang.

Ipinauubaya na rin ng Malakanyang sa AFP ang dapat gawin tulad ng kinauukulang koordinasyon sa mga kaalyadong puwersa gaya ng Estados Unidos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply