Hindi makatao ang paghihigpit ni kernel

NAGING usap-usapan at biruan sa lamay ng isang dating opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) na kaya raw ito namatay ay dahil sa tindi ng galit at sama ng loob sa kanyang hepe.

Sinasabing itong si Sr. Incpector  Wilfredo  Laureta, na naka-assign sa District Anti Carnapping Unit (DACU) ng QCPD ay namatay noong  nakalipas na Huwebes dahil
sa atake sa puso.

Kaya tuloy sabi ng ilang pulis na kasamahan ni Laureta, ang ikinamatay nito ay “severe stress” dahil daw sa sama ng loob  sa kanyang hepeng si Col. Ferdinand Villanueva, ng DACU.

Aminado ang mga tauhan nitong si Col. Villanueva na isa ito sa mga pinakamagagaling na opisyal ng QCPD pero hindi na raw makatao ang ginagawa nitong paghihigpit sa kanyang mga tauhan.

Ibinigay na halimbawa ng mga pulis ang pagkakaopera raw sa lalamunan ng isang tauhan ni Villanueva ngunit pilit daw itong pinasasama sa mga operasyon gayung ilang araw pa lang daw itong naoperahan.

Sir, huwag namang ganyan. Oo nga at mga tao mo sila na kailangang sumunod sa inyo pero magkaroon naman sana kayo ng kahit kaunting malasakit sa inyong mga tao.

Aminado naman ako na sobra ang sipag niyo Col. Villanueva, sir, saludo ako sa kasipagan mo. Kaya lang, parang hindi na yata makatao ang ginagawa niyo sa mga tauhan niyo.

Halos lahat ng tao mo, Col. Villanueva ay gusto nang kumawala sa unit mo o kaya ay  mapalitan ka. Huwag niyo nang hintayin pang pagwelgahan ka ng mga tao mo. May panahon pa, ipakita mo sa kanila na importante sila sa iyo.

QCPD Director. Gen. Mario Dela Vega, baka puwede namang tingnan niyo at pakinggan ang hinaing ng inyong mga tauhan.

Huwag naman sana kayong magbubulag-bulagan sa mga ginagawa ng inyong mga unit chief tulad nitong si Col. Villanueva, ng DACU, Col. Rolando Bumagat, Camp Commander at Maj. Richard Ang, ng DAID.

Para sa inyong reklamo,  suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09062653394 o kaya ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply