Hindi na kulong, Aguirre sinabon lang ng Senado

HINDI na susundin ng Senado ang probisyon sa Rules of Court na pagmultahin at ipakulong si Atty. Vitaliano Aguirre nang lantarang bastusin si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa pamamagitan ng pagtatakip ng tenga habang nakikinig sa impeachment trial.

Sa naganap na caucus kanina, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na papagalitan at pagsasabihan na lamang si Aguirre na maingat sa kanyang pagsasalita bilang miyembro ng prosecution panel.

“The court has arrived a decision in view in the circumstances that surrounded the incident, although there is evidence of contemptuous of the impeachment court, but we will not let the lost of freedom to Aguirre and to admonished him to be careful as a member of the prosecution panel,” ayon kay Enrile.

Ayon kay Enrile, nagdesisyon ang impeachment court na pagalitan lamang si Aguirre upang matigil na ang sigalot sa ilang panig at panatilihin ang mahusay at matahimik na proseso sa paglilitis kay Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply