Hiniwalayan ni misis, mister nagbitay

MAKARAANG hindi matanggap ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang misis kaya nagawang magbitay ng isang mister sa La Union, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Cariño, 39, ng Sitio Tawi-Tawi, Barangay Gusing Sur, Naguillan,

Lumalabas sa imbestigasyon na alas-6 ng umaga kanina nang maabutan ng kanyang pamilya ang biktima na nakabitin na sa bubungan ng bahay, wala nang buhay, gamit ang kurtina sa pagbigti.

Hinala ng pamilya ng biktima na dinibdib nito ang pakikipaghiwalay ng kanyang misis na nasa ibang bansa na nagtatrabaho kaya pinili na lang na magpakamatay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply