Hirit na dagdag-sahod hihimayin ng wage board

PAG-UUSAPAN muna ng regional wage boards ang panawagan ng ilang grupo kaugnay sa umento sa sahod ng mga manggagawa para makasabay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“[The call for a wage hike] is something that should be entertained by the regional wage board,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sinabi pa ni Valte na masyadong maaga para humirit ng umento sa sahod ang mga manggagawa kahit man lang sa Metro Manila dahil na rin ang huling wage order ay noon lang Hunyo ng nakalipas na taon.

Nauna nang nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines ng wage adjustment na ang dating P75 ay gawing P100 para sa mga manggagawa ng Kalakhang Maynila, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) at Central Luzon.

Sinabi ng TUCP  na isinasapinal na nila ang data na magdedetermina ng tamang halaga ng dagdag sa sahod lalo pa’t anila ang hinihirit nilang wage hike ay kailangang madaliin.

Subalit, sinabi ni Valte na may one-year period na ibinibigay ang pamahalaan sa wage adjustments.

Batay naman sa National Wages and Productivity Commission, noong taong 2011, ang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila ay itinaas noong Mayo 26; sa Gitnang Luzon, Hunyo 24 at sa Calabarzon ay noong Enero 15.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply