Hirit na mosyon ni Abalos ibinasura ng korte

TULUYAN nang ibinasura ng Pasay City Regional Trial Court ang hirit ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos, Sr. na mag-inhibit na sa kinakaharap niyang kasong electoral sabotage si Judge Jesus Mupas.

Sa inilabas na resolusyon ni Pasay RTC Judge Mupas ng Branch 112, hindi na niya pinagbigyan ang inihaing motion for reconsideration ni Abalos kaugnay sa una na niyang hirit na bitawan na at huwag ng hawakan ng hukom ang kanyang kaso sa paniwalang hindi na magiging parehas ang magiging pananaw sa kinakaharap niyang usapin.

Pinagbatayan ng korte sa ibinabang resolusyon ang isang desisyong inilabas ng Korte Suprema sa kasong Pagoda Philippines vs. Universal Canning kung saan dahil sa kawalan ng malinaw ang nakakakumbinsing ebidensiya ay dapat na hawakan ng huwes ang kaso ng walang takot at walang kinikilingan.

Mistula ring pinarunggitan ni Mupas sa kanyang resolusyon si Atty. Brigido Dulay dahil nakasaad sa resolusyon na dapat magpakita ng respeto sa korte ang mga abogado.

Magugunita na pinatawan ng kasong contempt ni Judge Mupas si Atty. Dulay at kliyente niyang si Abalos matapos ihayag sa hukuman na tinangkang kikilan ng hukom sa pamamagitan ng ipinadalang emisaryo, si Abalos kapalit ng pagpanig ng korte sa akusado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply