Hirit na temporary protection ni Gatdula pinaboran ng korte

MULING nakapuntos si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula matapos na paboran ng korte ang petition nito na humihiling na bigyan ito ng temporary protection dahil na rin sa banta sa kanyang  buhay.

Sa tatlong pahinang kautusan ni Manila Regional Trial Court Branch 26 Judge Silvino Pampilo Jr. kinatigan nito ang prayer for a temporary protection order, bukod pa sa pagbibigay ng seguridad ng ahensiya ng pamahalaan para kay Gatdula.

Una nang nagsumite ng petisyon para sa Writ of Amparo si Gatdula upang pigilan si Justice Secretary Leila de Lima at ilang NBI officials ng pagsasampa ng kaso kaugnay ng nibigong ambush kay NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda noong Pebrero 21.

Ang Writ of Amparo ay isang paraan upang mabigyan ng protection ang buhay at kalayaan ng isang tao laban sa mga pagbabanta.

Matatandaang sinabi ng kampo ni Gatdula na mismong si Esmeralda lamang ang nagplano ng kanyang sariling ambush na mariin namang itinanggi ng huli.

Sinibak si Gatdula matapos na masangkot sa umano’y pagdukot at pangingikil sa Japanese na si Noriyo Ohara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply