Hirit na writ of amparo ni Gatdula pinagbigyan

PINAGBIGYAN ngayon ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang writ of amparo ni dating National Bureau of Investigation director Magtanggol Gatdula na humihiling na maprotektahan siya at ang kanyang pamilya.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa pagkakasnagkot ni Gatdula sa pananambang kay NBI deputy director Reynaldo Esmeralda.

Inatasan ni Manila Silvino Pampilo Jr., ang Philippine National Police- Police Security Protection Group na protektahan si Gatdula at kanyang pamilya mula kay Justice Secretary Leila de Lima, NBI OIC Nonato Rojas at NBI deputy director Reynaldo Esmeralda.

Ipinag-utos din ng korte na mainspeksyon ang sasakyan ni Esmeralda na pinagbabaril habang sakay ito noong naganap ang ambush nitong nakalipas na buwan sa Paco, Maynila. Si Gatdula ang sinasabing mastermind umano sa nasabing insidente.

Mariin namang itinanggi ni Gatdula na may kinalaman siya sa pananambang kay Esmeralda.

Una nang nagsumite ng petition for the issuance of writ of amparo sa MRTC dahil sa panganib sa kanyang buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply