‘Historic level’ sa trading ng PSE naitala

SA unang pagkakataon ay nagtala ng all-time high record ang Philippine Stock Exchange sa pagtatapos ng trading ngayong linggo.

Nabatid na matapos matarget ang 5,000 mark, nagsara ang PSE shares sa 5,016.30 index o mas mataas ng 77.69 points sa nakaraang trading kahapon.

Paniwala ng market analysts, ang mga positibong economic conditions sa domestic at overseas ang nagtulak sa merkado para marating ang historic level.

Kahapon sa kauna-unahang pagkakataon, naabot ng local stock market ang 5,000-mark sa morning trading, bagama’t nagsara ito sa 4,938.61.

Una nang inihayag ng Asian Development Bank (ADB) na magkakaroon ng 5 percent growth ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.

Ginawa ni ADB President Haruhiko Kuroda ang pahayag sa isinagawang briefing sa Malakanyang na bahagi ng paghahanda sa nakatakdang 45th annual meeting ng ADB sa May 2-5, 2012.

Sinabi ni Kuroda na sa pangmatagalang pagtaya, maaaring aabot sa 6-7 percent ang ilalago ng ekonomiya ng bansa.

Kabilang din sa inaasahang magpapalakas sa ekonomiya ang nasa service sector partikular sa outsourcing, real estate, gayundin sa remittances ng OFWs.

Inihayag ng opisyal na hindi kaila ang epekto ng Europe at US economic slowdown sa export sector pero inaasahang babawi dahil sa malakas na konsumo sa loob ng bansa, gayundin sa mga imprastrakturang itatayo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply