Holdaper dumayb sa dyip, huli

SWAK sa kulungan ang isa sa dalawang holdaper matapos mabagok ang ulo nang dumayb sa dyip na hinoldap sa Northbay Boulevaed South Navotas City kaninang madaling araw.

Nakakulong sa Navotas detention cell ang suspek na si Alvin Tadea y Baisac, 24-anyos, ng 1358 Catleya St., NBBS ng nasabing lungsod, na nagtamo ng malalim na sugat sa ulo.

Ayon sa ulat, dakong alas 4:00 kaninang madaling araw nang holdapin ng dalawang suspek ang pasaherong si Lourdes Jamero y Anastacia, 47.

Naunsyami ang panghoholdap ng dalawa nang makitang may paparating na pulis.

Pinalad namang makatakas ang isa, bitbit ang hindi matukoy na baril, habang nahuli naman si Alvin.

Hinahanap na ng pulisya ang nakatakas na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply