Holdaper pumalag sa aresto, todas

PATAY ang isang holdaper nang makipagbarilan sa mga pulis na humahabol sa kanya bago pa man makapambiktima kaninang tanghali sa Makati City.

Patay kaagad ang suspek na si Eliseo Ramos Basilio, ng 7124 Langka St., Barangay Comembo, Makati sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa bahagi ng katawan.

Sa tinanggap na ulat ni Makati police chief Supt, Jaime Santos, namataan ng

kalalakihang residente sa P. Zamora St., ang suspek na naniniktik ng mabibiktima dakong 11:48 ng tanghali at nang kanilang sitahin ay kaagad na nagtatakbo patungo sa J.P Rizal St.

Nagkataong nagpapatrulya ang Mobile car 207 ng Police Community Precinct (PCP) 7 kaya hinabol nila ang suspek subalit bigla itong bumunot ng baril at pinutukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang awtoridad na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng suspek pagsapit sa kanto ng P. Zamora at JP Rizal St.

Ayon sa ilang mga residente, namumukhaan na nila ang suspek na sangkot sa madalas na holdapang nangyayari sa kanilang lugar kung saan nilalamas at hinihipuan pa ang babaeng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply