Holdaper tigbak sa parak sa Maynila

PATAY ang isang hinihinalang holdaper nang makaengkuwentro nito ang mga tauhan ng Manila Police District sa Sta.Cruz, Maynila, kagabi (Marso 19).

Sa inisyal report ng pulisya, hindi nakikilala ang suspek na nakasuot ng kulay asul na T-shirt at naka-shorts.

Ang suspek ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Nauna rito, hinoldap ng suspek ang isang babae na galing sa simbahan ng Quiapo.

Agad namang nakahingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad kaya nagsagawa ng follow up operation sa lugar.

Naisptan ang suspek sa west bound lane ng Recto Avenue sa tapat ng Isetann sa may Sta. Cruz, Maynila at nang sisitahin ito ng mga tauhan ng MPD-Police Station 3 ay agad itong nagpaputok sa mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis at natamaan ang suspek sa kanyang ulo.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply