Holdaper todas sa boga ng parak

PATAY ang isang hinihinalang holdaper matapos lumaban sa mga rumespondeng pulis nang mangholdap ang una sa Teacher Village Longos Malabon City kahapon (Marso 29).

Dead on the spot ang suspek na si Jorie Baldomar, nasa hustong gulang at taga-Phase 3, Longos ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Pampano St., sa nasabing lugar.

Una rito, humingi ng tulong sa pulisya ang mga hinoldap ni Baldomar na sina Jerome Dosal y Sabinorio, 18, at Jeffrey Conge y Mendoza, 16, ng nasabing lugar.

Agad tumugon ang mga awtoridad sa pangunguna ni PO3 Tibayan. Nang aarestuhin na ang suspek ay agad nagbunot ng kanyang baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad at tinamaan si Baldomar sa ulo na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Kinilala rin nina Elinita Montano 40, Cristina Sillador at Carol Ponce-Lagoil, pawang taga-Brgy. Longos ang suspek.

Narekober ng mga awtoridad ang .38 kalibre baril na ginamit ng suspek na walang serial number, isang empty shell at tatlong live ammunition.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply