Holdaper utas sa shooter na kapitan sa Pasay City

NAPATAY ng isang shooter na barangay chairman ang isang hindi pa nakilalang holdaper makaraang mambiktima ng tatlong pasahero ng dyip kaninang umaga sa Pasay City.

Patay na nang idating sa Pasay City General Hospital ang holdaper dahil sa isang tama ng bala ng baril sa ulo.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Suquiña, ang inisidente ay naganap 7:45 ng umaga sa Maguinhawa St., naturang lungsod.

Nauna rito, ang napatay na suspek at dalawang kasama nito ay nangholdap ng tatlong pasahero sa loob ng isang jeep na agad namang nagsumbong sa barangay.

Armado ng kalibre .45,  hinabol ni Bgy. Chairman Abdul Manap Akok ang susek na aksidente namang nadapa kaya nabaril ni Akok sa ulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply