Home inspections isasagawa ng BFP

INATASAN ni Bureau of Fire Protection officer-in-charge, chief superintendent Samuel Perez ang mga lokal na fire official na makipag-ugnayan sa mga barangay official at mga residente upang magsagawa ng home inspection.

Ayon sa opisyal, kalimitan umanong paingsisimulan ng sunog sa mga kabahayan ay dahil sa faulty electrical wiring, mga nakaimbak na gasolina o pintura, at tanke ng LPG.

Ang naturang pagbabahay-bahay ay nasa ilalim ng Section 5 ng Republic Act 9514 o ang Fire Code of the Philippines.

Pinayuhan na rin ng BFP chief ang mga lokal na opisyal na sanayin ang mga barangay volunteer fire brigade na maging handa sakaling may maganap na sunog sa kanilang lokalidad.

Nitong Biyernes (marso 16), nagsimula ang sunog sa Grand Central Mall sa Caloocan City, kung saan mahigit P500 milyong halaga ng mga ari-arian ang napinsala. Naantala rin ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 at nasugatan ang 17 bumbero.

Idineklara mang fire under control noong Sabado ng gabi, hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang naapula ang nasabing sunog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply