Homeowners sec. nirapido ng .45 todas

BUMULAGTA sa kalye ang isang sekretarya ng homeowners association nang ratratin ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki sa Quezon City kaninang umaga.

Dead on the spot si Rowena Tupaz, 46, ng Katuparan St., Barangay Commonwealth, nasabing lungsod.

Blangko pa ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung sino ang nasa likod ng pamamaril pero malaki ang hinalang may kinalaman ito sa trabaho ng biktima.

Sa ulat ng CIDU, naganap ang insidente alas 12:35 ng madaling-araw ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Ayon sa nakasaksi, bago ang pamamaril ay naglalakad ang biktima sa lugar nang sumulpot ang mga suspek na lulan sa walang plakang motorsiklo at saka ito pinagbabaril.

Hindi pa nakontento, nilapitan pa ng isa sa mga suspek ang biktima at saka binaril ulit sa dibdib bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply