STC students ‘di nakapagmartsa dahil sa bikini

HINDI nakalusot ang pakikipaglaban ng 16-anyos na high school student para makasama sa graduation ceremony matapos hindi kinilala ng St. Theresa’s College (STC) ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng korte laban sa parusang ipinataw sa kanya ng paaralan dahil sa pagsusuot ng bikini at pag-post nito sa networking site.

Nabatid na hindi pinapasok ng paaralan ang estudyanteng itinago sa pangalang “Therese” kasama ang apat iba pa dahil sa kawalan ng gatepass kahit pawang mga naka-toga pa sila.

Kahapon ay nagpalabas ng TRO si Regional Trial Court (RTC) Branch 6 Judge Wilfredo Navarro, kaugnay sa hiling na injunction na isinampa ng mga magulang ng estudyante laban sa desisyon ng paaralan na hindi payagan ang limang mga mag-aaral na makasali sa graduation ceremony.

Ayon sa STC, taliwas sa moralidad at paglabag sa student manual ng paaralan ang ginawa ng mga  estudyante na kanila lamang pinanindigan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply