Hunk aktor lumambot sa halinhinang pagkaplog sa dalawang aktres

NAGTATAKA ang ilang nasa showbiz circles kung bakit ang isang hunk actor na macho pa namang naturingan ay laging lalambot-lambot kapag nasa shooting ng pelikula o taping ng teleserye.
Dati kasi ay nagbababad sa gym ang hunk actor, tawagin nating si Gino, kaya magilas at malakas ang kanyang katawan. Pero nang magka-siyota ay saka na siya nagkaganito.
Putok na putok na ang siyota ni Gino ay ang teen actress na si Melanie (‘di tunay na pangalan) na bagama’t guwardiyado ng ina sa mga showbiz functions ay maraming kaaberyhang ginagawa sa buhay.
Bata pa nga siyang naturingan pero super maelya na siya. Kuwento nga ng isa nating katoto, siya pa ang laging tumatawag kay Gino na magkita sila at mag-sex at upang hindi punado, laging sa out-of-town ang kanilang sexcapades.
Kapag magkasama sa harap ng telebisyon sina Gino at Melanie, kung pagmamasdan sila na isang guwapo at isang maganda, tila ba aakalain natin na hanggang sa holding hands o smack kiss lang sila.
Super-galing nilang magdala sa harap ng publiko pero sa totoo lang naman ay maya’t-maya na silang nagtitikiman kahit ang pautot nila ay walang namamagitang relasyon sa kanilang dalawa.
Kahit putok ang balita sa kanila ay mahirap paaminin sina Gino at Melanie. Pero may ilang kasamahan nila sa showbiz ang makapagpapatunay na madalas na silang magkaroon ng sexual contacts.
Upang mailayo naman sa kanila ang mata ng publiko, ang drama ni Melanie, kunwari ay crush niya si ganito at si ganoong aktor o kaya’y singer. Minsan pa nga ay napabalitang hahabol-habol siya sa anak ng isang pulitiko.
‘Yun nga, lahat ng ito ay pautot lang niya dahil ang talagang labs na labs niya ay si Gino na super dako ang hinaharap. Mantakin naman ninyong may kuwento na kapag nag-alburuto ang etits nito, aba’y puwede raw isampay sa balikat ang ulo?
Kaya naman si Melanie ay enjoy na enjoy sa siyotang si Gino. At naku, sa hilig daw ng teen actress sa bakbakan sa kama, pinakapahinga ng hunk ay dyinggel.
Ganoon din naman ang drama ni Gino, kunwari ay siyota niya ang kung sino-sinong aktres o kaya’y kolehiyala. Paniwala naman si Melanie dahil ito ang naging usapan nila.
Syota rin ni Gino ang sexy actress na si Ilonah (‘di tunay na pangalan). May bulung-bulungan na tungkol dito pero ipinagkikibit-balikat lang ni Melanie, kasi alam niyang sa kanya lang ang hunk actor.
Ang siste nga, tulad ni Melanie ay super-maelya rin si Ilonah. At baka higit pa. Kung si Melanie, hanggang nararamdamang matigas pa ang etits ni Gino ay talagang hindi tinitigilan, si Ilonah naman, hanggang may masisimot na katas sa hunk actor, sinasaid niya ng todo-todo.
Kaya nga nang pagsabayin ni Gino ang dalawang aktres, lagi na siyang nanlalambot. Hindi naman niya maidispatsa ang isa sa kanila. Si Melanie ay ginagamit niyang propaganda para lagi siyang pag-usapan pero ang mahal niya talaga ay si Ilonah.
Kung noon ay pinagpapantasyahan si Gino ng mga kababaihan at maging ng mga bading, halatadong pakupas na ang kanyang bagsik.  Kumbaga sa sasakyan, kailangan na niyang ma-overhaul.
Madalas na nga siyang maging sentro ng katatawanan dahil nakikita siya ng mga kasamahan na laging nangangatog ang tuhod, nangangalumata, laging pagod at lalambot-lambot.
Paano nga’y pagsabayin ba naman niya ang dalawang aktres na kapuwa sobrang malilibog! At kapag hindi niya tinigilan ang kaelyahan, baka sementeryo ang kayang puntahan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply