Huwag basta-basta magtitiwala!

MAY bagong pagpapantasyahan ang mga kalalakihan na puwede nilang iuwi. Ito ay ang Cherry Mobile cellphone na may kiss-mark si Anne Curtis.

Ang young sexy actress ang bagong endorser ng Cherry Mobile kung saan ay nag-share siya ng kanyang kiss-mark. Pero may pagpipilian ding unit na walang kiss-mark si Anne.

Bukod sa boyfriend niyang si Erwan Heussaff, sino ang apat na na puwede niyang halikan?

Ayon sa aktres ay sina Derek Ramsay, Robin Padilla, Chubi del Rosario at Raymond Gutierrez.

Kasama talaga si Chubi na puppy love niya.

Talbog!

Anyway, tanggap at walang bitterness si Anne Curtis kahit natalo siya ni Angel Locsin bilang Best Actress ng 28th PMPC Star Awards for Movies. Si Anne ang pinakamahigpit niyang kalaban sa kategoryang ito perp very deserving naman si Angel sa award na ito at siya talaga ang choice ng karamihan sa voting members ng PMPC simula’t sapul.

After ng awards night ay narinig pang nag-uusap ang dalawa. Nag-congrats si Anne kay Angel.

Pangalawang pagkakataon na ito na muntik nang manalo si Anne ng award. Natatandaan din namin noon na malakas ang laban niya bilang Best Drama Actress ng Maging Sino Ka Man.

Naniniwala kami na balang araw ay masusungkit din nito ang Best Actress trophy sa Star Awards sa tamang panahon at pagkakataon.

-0o0-

HABANG isinusulat namin ito ay inilipat na raw sa Cavite ang manager ni Gerald Santos na si Doc Rommel Ramilo mula sa pagkakakulong sa Camp Crame dahil sa pagkakadamay sa kasong kidnapping at child abuse.

Emotionally ay talagang apektado ang magaling na singer sa sinapit ng kanyang manager.

“Napakalaki po ng utang na loob ko kay Kuya Rommel.Lahat po ng natamasa kong tagumpay nitong mga nakakaraang taon ay dahil po sa kanya. Ramdam at kita ko naman yung concern at bilib niya sa telento ko. Sobrang sakit po sa akin na nangyari ito, pero alam po namin, sa puso po namin na hindi po ito totoo. Dinawit lang po siya. Ginamit ‘yung pangalan namin, ginamit ‘yung pangalan niya dahil sa sobrang pagtitiwala namin,” reaksyon ni Gerald nang makatsikahan namin.

“May dalawa pong fans, magnanay sila. May ipinakilala silang bata last year at gusto nilang ipa-handle kay Kuya Rommel. Siyempre, tinurn-down ni Kuya Rommel dahil hindi siya nagha-handle ng ibang mga talents. And then, puwede raw i-train since yung bata raw ay fan ko rin, so in return, ‘yung magulang ay susuporta sa mga shows at concert ko. ‘Yun lamang po at no money involved. Nagulat po kami na ‘yung fans ko pala ay hindi na iniuuwi ‘yung bata sa tunay niyang magulang. Ginamit po ‘yung pangalan ni Kuya Rommel at sinasabi run sa magulang na hina-handle na raw ‘yung bata, mina-manage na which is hindi po totoo. Ginamit din ‘yung pangalan ni Kuya Rommel para makapangikil dun sa magulang ng bata.’Yun lamang po, napakasimple ng kuwento pero nadawit siya sa kaso pong ito.

Nawa’y magkaroon po ng hustisya very soon dahil until now nakapiit pa rin siya sa kulu- ngan po. Para po ‘yun sa sponsor sa album pero pinapalabas nila na ransom. Ang dami kasing ginawang istorya nu’ng magnanay. Na-set up talaga siya, na-frame up. Wala talaga kaming kaalam-alam sa nangyari.,” kuwenton ni Gerald.

Nakaapekto ba ito sa trabaho niya?

“Siyempre po, lalo na nu’ng first week nawalan ng contacs dahil kinumpiska ‘yung cellphone niya kaya tumumal ‘yung trabaho pero ngayon nagbabalik ulit. Sana ma-vindicate po siya dahil wala pong katotohanan ‘yung lumalabas na balita at mga aligasyon sa kanya,” sey pa niya.

May natutunan si Gerald sa kasong kinakaharap ngayon ng manager niya. “Hindi masamang maging sobrang mabait pero kumbaga, mamili kayo ng pagkakatiwalaan. ‘Wag masyadong magtiwala agad. Kilalanin talaga. Ang kasalanan lang naming nagawa ay masyado kaming mapagtiwala,” aniya pa.

Anyway, tuloy pa rin ang career ni Gerald at sa May 26 ay may nag-prodyus ng kanyang concert sa Music Museum. Pati rin ang kanyang album na ang carrier single ay ang revival song niyang ‘Paminsan-minsan’ na pinasikat ni Richard Reynoso. Kasama rin si Gerald sa bagong show ng TV5 na “Sunday Funday.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply