I-Rice production pinalakas

HIGIT na pinaigting ng National Food Authority (NFA) ang produksyon at pagtangkilik sa iron fortified rice  (I-Rice).

Ang programang iron-rice fortification ng NFA ay nakikita ring solusyon upang mabawasan ang pagkalat ng iron deficiency anemia sa bansa.

Kabilang ang Bicol Region sa prayoridad ng ahensya, dahil sa naitala na isa ang rehiyon sa may mataas na bilang ng malnutrition at iron deficiency anemia.

Ipinagmalaki pa ni NFA Administrator Angelito T. Banayo, mula sa 45,583 na sako noong Setyembre ng nakaraang taon umakyat ang benta nito ngayong taon sa 94,714 sako.

Kasabay nito, sa tala ng National Nutrition Council (NNC) bumaba rin ng 30.6 porsiyento ang bilang ng iron deficiency anemia sa rehiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply