Idol judges muling napa-wow kay Jessica Sanchez

MULING napa-wow ng Filipina-Mexican na si Jessica Sanchez ang mga Idol judges sa pagpapatuloy ng labanan ng feamle top 12 ng American Idol kanina.

Kahit medyo malat ang boses ni Sanchez, 16, hindi ito naging hadalng upang hindi maawit ng maayos at perpekto ang awiting “Love You I Do” na pinasikat ng dati ring American Idol contestant na si Jennifer Hudson.

Nabatid na ilang araw ng nakararanas ng vocal troubles ang Fil-Mexican kaya sinaabing kulang siya sa rehearsal.

Gayunman, puros paghanga ang namutawi sa bibig ni judge Steven Tyler.

Para sa legendary singer, perpekto ang taas ng boses ni Sanchez sa pag-awit nito ng naturang kanta.

Sumang-ayon din sa sinabi ni Tyler ang isa pang judge na si Randy Jackson. Ani, Jackson mas maganda pa ang performance ni Sanchez kung wala itong iniindang sakit.

Puro crazy nga sinabi nila Randy at super sexy singer-actress na si Jennifer Lopez.

Pahayag ni Jackson: “Crazy, crazy.. Oh my God. That girl can really sing!” Habang si J-Lo naman: “It’s so beyond your years, it’s crazy!”

Kahapon (Pebrero 29, petsa sa Pinas), unang sumalang ang mga lalaking finalists.

Bukas (Marso 2, petsa sa Pinas), ang elimination round kung saan mati-trim down sa tig-aanim ang mga boys at girls.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply