Ika-500,000 sasakyan ng TMP ipinagdiwang

ISANG selebrasyon ang pinaunlak ng Toyota Motors Philippines (TMP) sa piling panauhin upang markahan ang ika-limang daang libong (500,000) sasakyang nayari sa kanilang planta sa Sta.Rosa, Laguna simula noong 1989.

Ang mga panauhing pandangal nang araw na iyon ay sina Herminio Coloma Jr., (Secretary of the Presidential Communications Operations Office), Takahiro Iwase (Toyota Motors’ Corporation Senior Managing Officer) at ang TMP President na si Michinobu Sugata.

Sinabi ni Iwase sa kanyang speech na malaki ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga empleyado, shareholders at lalo na sa mga kostumer sa patuloy na pagsuporta sa kanila. Dagdag pa niya, patuloy din nilang aasahan ang suporta ng gobyerno upang mas mapabuti ang industriya ng car-manufacturing sa bansa.

Bilang pasasalamat naman sa kanilang mga loyal kustomer, bibigyan ng TMP ng isang brand-new Innova ang kostumer na nagmamay-ari ng locally-produced na Toyota  na may pinakamalaking mileage na itinakbo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply