Ikakasang tuition fee increase dinepensahan

DINEPENSAHAN ngayon ng mga Catholic school ang inilalatag na tuition fee increase sa darating na pasukan.

Ayon kay Father Gregg Baniaga, Jr., pangulo ng CEAP Catholic Educational Association of the Philippines, (CEAP), kailangan na nilang ikasa ang tuition fee increase para mapanatili ang kalidad ng edukasyon.

Bukod pa sa naglilipatan na ang kanilang mga guro sa mga pampublikong paaralan dahil mas malaki ang bayad sa kanila ng gobyerno.

Sinabi pa ni Baniaga, na 75% ng tuition fee increase ay napupunta sa suweldo at mga benepisyo ng teaching at non-teaching personnels habang ang 15% ay ginagastos sa capital expenditures para i-upgrade ang school facilities at equipment.

Para sa return of investment ang sampung porsiyento subalit dahil non-profit at non-stock institution ang Catholic schools, napupunta rin sa maintenance ng eskuwelahan ang nasabing bahagi ng dagdag matrikula.

Iginiit ni Baniaga, na pangulo din ng Adamson University, na hinding-hindi na maiiwasan ang dagdag matrikula dahil talagang mahal o ginagastusan ang magandang kalidad ng edukasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply