Ikalawa sa pinakamataas na tore sa mundo itatayo sa Kyusi

NAKAHANAP na ng lugar ang kumpanyang Mitsubishi Electric Corp. ng Japan para tayuan ng ikalawa sa pinakamataas na tower sa buong mundo.

Ito ay sa pitong ektaryang lupain ng Manila Seedling Bank Foundation Inc. na nasa Edsa-Quezon Avenue, Quezon City na nakahanda na nilang bilhin kahit sa halagang P100,000 per square meter.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Victor Endriga, QC administrator, matapos aniyang makipagkita sa kanya at kay Mayor Herbert Bautista ang mga kinatawan ng Mitsubishi para ipaalam ang kanilang interes na magnegosyo sa bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng telecommunications tower para sa telecom companies, radio at television broadcasting networks.

Ang nasabing tore aniya ay magiging pangalawa sa 634 meters na taas na Sky Tree sa Tokyo, Japan na lalagayan din ng commercial establishments at restaurants sa ilalim nito.

Ipinakita na rin aniya ng Mitsubishi kay Bautista ang blueprint ng plano na tayuan ng tower ng lugar ng Manila Seedling para gawing ecotourism hub sa ilalim ng public-private partnership.

Maliban sa inaasahang P7 bilyon na kikitain sa magiging bentahan ng lote ay dalawang beses na rin aniyang na-auction ng pamahalaang lungsod ng Manila seedlings property at umaasa pa ang pamahalaan sa bilyong kikitain sa business tax sakaling maitayo at magsimulang mag-operate ang nasabing tore sa lugar.

Ayon kay Endriga , hindi aniya gagastos ang pamahalaang lungsod ng kahit isang sentimo sa proyekto.

Nalaman lamang ng pamahalaang lungsod na ang nursery and seedling bank ay auctioned na noon pang 2010 at July 6, 2011.

Ani Endriga, maaari nilang maibenta ang lugar sa halagang P100,000 hanggang P150,000 per square meter, o P7 billion at higit pa.

Naghihintay na lamang ng hanggang isang taon ang pamahalaang lungsod para mabawi at makumpiska ang foundation property.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply