Ikonsidera ang 2-year courses– DOLE

IPINAYO ngayon ng Department of Labor and Employment sa mga bagong high school graduate na ikonsidera ang mga 2-year course sa kolehiyo.

Sinabi ni DOLE Director Nicon Fameronag, na hindi dapat sa four o five-year course lang nakatuon ang mga high school graduate at magulang.

Aniya, dapat lawakan ng mga bagong high school grad ang mga kursong nais na kunin.

Iginiit ng opisyal na maraming maiiksing kurso na madaling maihanap ng trabaho oras na matapos.

Kasama sa tinukoy ng opisyal ang mga 6-month o 2-year courses gaya ng Agriculture o Agribusiness kung saan tiyak na may mga trabaho sa mga linyang ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply