Ilang bahagi ng Maynila, Cavite mawawalan ng kuryente

NAKATAKDANG mawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Maynila at Cavite ngayong araw, Marso 6.

Nabatid na 4-oras na power interruption ang mararanasan sa ilang bahagi ng Paliparang III road sa Cavite mula Mabuhay City Mini Market hanggang Mabuhay City I, II, II-E, IV, mula alas-9:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng tanghali.

May isang oras namang nawawalan ng kuryente ang Barangay Tondo, Binondo at San Nicolas sa Maynila, mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-2:00 hanggang alas-3:00 ng hapon.

Apektado ang ilang bahagi ng Jose Abad Santos Ave. at Reina Regente St., mula C. La Torre St. hanggang Plaza Lorenzo Ruiz. Kabilang din sa maapektuhan ang Felipe II, Lachambre, Alvarado, Oriente, Insular at Nueva St. sa Tondo at Binondo.

Bahagyang maapektuhan din ang ilang bahagi ng Barraca, Urbiztondo at Elcano street mula Dasmariñas hanggang Lavezares street.

Kabilang din ang Jaboneros, San Nicolas at Ilang-Ilang street sa San Nicolas sa mga mawawalan ng kuryente.

Ang mga naturang power interruption ay bunsod ng pagkukumpuni ng mga linya ng kuryente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply