Ilang bahagi ng MM binaha

BINAHA ang ilang lugar sa Metro Manila dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan ngayong hapon.

Hindi na madaanan ng mga sasakyan ang kanto ng Baler at Judge Juan Luna sa Quezon City dahil sa medyo malalim na tubig-baha.

Gutter deep naman ang baha sa bahagi ng Scout Tobias at kanto ng Timog Avenue, at sa Muñoz kanto ng Congressional Avenue.

Lumubog din ang panulukan ng Roosevelt Avenue at Baler pero nadadaanan pa naman ito ng mga sasakyan.

Batay naman sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, hindi na madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang north-bound section ng Aurora Boulevard underpass dahil sa matinding pagbaha.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Glaiza Escollar, nagdulot ng local convertion ang mainit na panahon kaninang umaga at naging sanhi ng malakas na pag-ulan ngayong hapon na hindi naman nagtagal.

Bahagyang ulan lamang ang naranasan sa lungsod ng Pasay, Paranaque at ilang bahgi ng katimugan.

Bigla man bumuhos ang ulan, wala namang iniulat na namumuong sama ng panahon ayon sa PAGASA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply