Ilang barangay sa Mindoro, Aklan lubog sa baha

LUBOG sa baha ngayon ang ilang barangay sa Mindoro at Aklan bunsod ng malakas na ulan kagabi (Marso 27), iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Aabot na sa mahigit na 200 katao ang naapektuhan ng lampas tuhod na baha sa lalawigan ng Mindoro, dahil sa mga pag-ulan na dulot ng isang low pressure area.

Batay sa datos na ipinalabas ng NDRRMC, umabot sa dibdib ang baha sa bayan ng Nauhan habang hanggang baywang naman ang baha sa Barangay Barcenaga.

Lubog din sa tubig baha ang mga taniman ng palay sa Barangay Adria Luna habang abot sa baywang ang baha sa Brgy. Buhay at Brgy. Malvar.

Hindi pa madaanan ng mga light vehicles ang Brgy. Andres Ilagan.

Umapaw naman ang Aklan River dahil sa malakas na pag-ulan kagabi (Marso 27) kaya nalubog sa baha ang Banga, Numancia at Kalibo.

Apektado rin ng baha ang mga pananim sa mga bayan ng Maayon, Mambusao, Ponteverda, Panitan Sapian at Sigma.

Patuloy pa rin ang clearing operations na isinasagawa sa Mindoro at Aklan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply