Ilang opisyal ng PNP Laguna sinibak sa pagkamatay ng UP student

SINIBAK sa puwesto ang ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) Los Baños police station kasama ang hepe nito kasunod ng pagkakapatay ng isang estudyante ng Uinvesity of the Philippines Las Baños sa mismong gate ng unibersidad.

Ayon kay PNP chief Gen. Nicanor Bartolome, pinaiimbestigahan na niya ang mga police personnel na may kapabayaan sa pagkamatay ni Bernard Peñaranda, isang agriculture student.

Kabilang sa pinaiimbestigahan ay ang chief of police ng Los Baños at ang nakatalagang pulis sa UPLB kung saan pinaslang si Peñaranda.

Nabatid na ang biktima ay sinaksak sa dibdib ng mga hinihinalang holdaper.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply