Ilang restaurant inisyuhan ng CDO ng LLDA

TATLONG kilalang fast food chain ang inisyuhan kahapon (Marso 1) ng Cease and Desist Order (CDO) ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) dahil sa hindi pagsunod sa umiiral na batas ukol sa polluted waste water discharge.

Sa pangunguna ni LLDA Acting Gen. Manager  Dolora N. Nepomuceno magkakasunod na inisyuhan ng CDO ang dalawang sangay ng Jollibee Corp. sa Sta. Quiteria, Novaliches Q.C/\. at sa San Mateo Rizal bago ang Ma Mon Luk na nasa kahabaan ng Quezon Avenue at Banawe sts. Sa Quezon City.

Ayon kay Nepomuceno sa kabila ng kanilang mga babala laban sa mga establisimiyento ay patuloy pa rin aniyang hindi sumusunod ang mga ito sa umiiral na batas sa ilalim ng RA 4850 at E.O. 927 na may kaugnayan sa tamang discharges ng kanilang waste water na nakasaad sa batas.

Aniya hindi nakapasa ang mga establisimiyento sa kabila ng kanilang mga inilabas na warning para ayusin ang kanilang water discharges o maglagay ng water treatment facilities para hindi maging polluted ang kanilang mga inilalabas na ginamit na tubig.

Dagdag pa ni Nepomuceno, hindi lamang aniya mga Quick Service Restaurants ang kanilang targets kundi ilang mga pabrika at mga establisimiyento na gumagamit ng tubig at inilalabas sa mga kanal na hindi dumaraan muna sa water treatment.

Samantala, kahit na naisyuhan na ng CDO noon pang Pebrero 3, 2012 ang Chowkings sa Tanay Rizal at Dimasalang sa Maynila; Kenny Rogers sa Sct. Albano, Q.C.; Goldilocks sa Marikina City, ay hindi pa rin sumusunod ang mga ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply