Iligal na sugal ni Don Ramon sa QC tigok na

ABOT hanggang tainga raw kung makahalakhak ngayon ang tinaguriang untouchable na gambling lord  dahil kanya na uli ang Quezon City makaraang palayasin ng Quezon City at CIDG Crame si Don Ramon.

Tumaas daw ang kubransa nitong GL ngayon sa QC kung kaya  humahalakhak sa tuwa ito at ang tagahatid ng biyaya dahil sa paglipat sa kanila ng mga dating tauhan ni Don Ramon.

Kawawang Don Ramon, napulitika. Kasi naman ang laki-laki ng  kubransa hindi pa nag-bid ng malaki at hindi pa ibinigay ang tarang hinihingi sa kanya. Ayan tuloy tinanggal siya ng Quezon City at ng CIDG dahil mas mataas ang offer at tara nitong bagong GL.

Ayon sa source ng Lily’s Files, hindi raw totoong malaki ang kubransa ng sugal sa QC dahil sa katunayan umano ay umaaray na raw ang kapitalista nitong si alyas Gerry ng Nueva Ecija.

Sa ipinakitang rekord ng ating source sa inyong lingkod ay lumalabas na umaabot lang sa P400,000 kada linggo ang pumapasok sa kaban nitong si alyas G ngunit ang lingguhang intelihensiya na ibinibigay ng iba ay umaabot naman sa halagang P600,000.

Malaki na raw ang lugi nitong si alyas G, ngunit nagbabakasakali pa rin itong unti-unting lumaki ang kubransa sa mga darating na panahon lalo na’t nag-iisa ito sa Quezon City.

Sinasabing tatlong klase lang ang pulis QC: isang bulag, isang patong at isang tanga.

Kung gusto niyo talagang sugpuin ang mga iligal na pasugalan sa QC ay madali ninyong makukuha ang mga gambling lord na sina Ver Bicol (lotteng at bookies);  ang umano’y bodyguard ni SB na si alyas Kenjie (video karera); Ini, asawa ng Kagawad ng Cruz na Ligas na may peryahan sa Cubao; alyas Alex na may peryahan sa Cubao, Q-mart, Novaliches at sa iba pang lugar sa QC; alyas Rollie na may peryahan sa may Anonas.

Napakarami ng mga gambling lord na ito, hindi na kailangang hanapin pa sila dahil lingguhan sila kung magpunta ng Kampo Karingal para maghatid ng koleksyon.

QCPD  Director, Gen. Dela Vega,  alam kong may bagong tatag kayong Unit para sumugpo sa mga  iligal na pasugalan, ang Special  Operations Group o SOG. Paki sampolan naman po ang mga binanggit kong gambling lord para maniwala akong hindi sila nakatimbre sa inyo.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong reklamo,  suhestiyon at komento. Mag-text lang po sa 09155683000 o kaya  ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply