Iligan school isinara sa bantang pagpasabog

IPINAHAYAG ng Department of Education (DepEd) Region 10 na kailangan na nilang isara ang Bayog Falls Elementary School sa Brgy Rogongon ng Iligan City, dahil sa takot na hatid sa mga guro at mag-aaral kasunod ng pagdukot sa kanilang kasamahan na sina Rene Somadang at Tino Sanchez ng grupo ng Abu Sayyaf kamakailan.

Bukod sa trauma ay nangangamba rin ang teachers at estudyante ng paaralan matapos magbanta ang bandidong grupo na pasasabugiun ang iskul nang hindi masunod ang kanilang demand na ransom money.

Kasunod nito, umapela naman ang administrasyon ng eskwelahan sa grupo ni alyas Kumander Ayatollah na pakawalan na ang mga bihag dahil hindi nila kaya ang malaking halagang hinihingi ng grupo.

Muli namang ipinag-utos ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro sa lahat ng guro na nakadestino sa nasabing lalawigan na mag-ingat.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply