‘I’m not engaged’ — Miley Cyrus

MARIING itinanggi ng singer/actress na si Miley Cyrus ang kumakalat na balita na diumano’y engage na sila ng kanyang boyfriend na si Liam Hamsworth.

Sinabi ni Miley na kahit suot pa may suot siyang diamond ring sa kanyang palasinsingan (ring finger) ay iginiit na hindi pa sila engage ng dyowa.

Nitong nakalipas na araw ay laman ng ilang tabloid at Hollywood press ang larawan na ini-upload ni Miley, sa kanyang Twitter account na kapansin-pansin ang nasabing singsing.

Sa Twitter din nilinaw ng singer-actress na hindi pa sila engage ng nobyo at sinabi na mula pa noong Nobyembre (2011) ay suot na niya ang diamond ring.

“I’m not engaged. I’ve worn this same ring on this finger since November!” tweet ni Miley.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply