Imbestigasyon sa Ever Gotesco fire uumpisahan na

UUMPISAHAN na ngayon ng mga tauhan ng Department of the Interior and Local Government ang pag-iimbestiga sa pagkakasunog ng Ever Gotesco Grand Central sa Caloocan City.

Ayon kay Senior Supt., Fenimore Jaudiand, imbestigador ng DILG, sisimulan na ngayon araw ang imbestigasyon matapos ideklarang fire out ang sunog dakong alas-7:45 kaninang umaga.

Kasama sa aalamin kung sinadya ba ang sunog na nagsimula sa outlet ng Rusty Lopez sa ground floor ng nasabing mall sa Rizal Avenue ext., ng lungsod, noong Biyernes ng gabi (Marso 16).

Aalamin din ang napaulat na hindi agad pinayagan ng mga sekyu ng mall ang ilang bumbero na makapasok sa loob upang patayin ang apoy.

Naiinis naman ang mga tenant, lalo na ang mga cellphone stalls na hindi pa sila pinapayagan na makapasok upang makuha ang kanilang mga paninda.

Tatagal ng 45 araw bago maglabas ng report ang mga taga-DILG.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply