PNP, hindi NBI ang mag-iimbestiga sa hazing

PARA maging patas ay mismong si Justice Secretary Leila de Lima ang sumigurong kung ano man ang magiging resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkamatay ng hazing victim na si Marvin Reglos ay hindi siya makikialam.

Ito ay matapos kausapin ni de Lima si Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo na ang Philippine National Police (PNP) pa rin ang dapat maging lead agency sa imbestigasyon at hindi ang NBI sa kabila ng pagnanais ng pamilya Reglos.

Ang hakbang ay para maiwasan ang posibilidad na mahaluan ng anumang bahid ang magiging resulta ng imbestigasyon dahil ang sorrority ng DoJ chief ay kaalyado ng Lambda Rho Beta fraternity na nakakaladkad naman ngayon sa nasabing isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply