Imbestigasyon sa leakage ng bank records ni Corona ipinaubaya sa NBI

IPINASA ng Senado sa National Bureau of Investigasyon ang pag-iimbestiga sa leakage ng bank records ni Supreme Cpurt Chief Justice Renato Corona.

kung sino at kanino nagmula ang

Ito ang naging rekomendasyon ni Senate committee on banks, financial institution and currencies chairman Serge Osmeña, hayaan na lamang ang na NBI ang umaksyon sa naturang isyu.

Aniya, ang NBI ang umano’y may kakayahan na siyasatin ang misteryong bumabalot sa likod ng kontrobersyal na leakage ng bank records ng punong mahistrado.

Dahil dito, nakaligtas ang bank examiner ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kaparusahan ng Senado sa kabila ng inihaing motion to contempt ni Senate President Juan Ponce Enrile dahil sa umano’y pagsisinungaling kaugnay ng kontrobersyal na leakage.

Ayon kay Osmeña, wala siyang nakikitang patunay na nagsinungaling ang bank examiner na si Jerry Leal para sabihing sa kanya nagmula ang leakage ng mga bank record ng punong mahistrado.

Sinabi pa ng senador na nakapag-report na siya sa ginanap na caucus kung saan binigyan diin niya sa mga kapwa senador na walang conclusive proof na nagsinungaling nga si Leal sa hiwalay na imbestigasyong ng Senado maliban sa impeachment trial.

Maging si Chief Justice Corona umano ay sinabing ang leakage ng kanyang bank records ay maaring sa Philippine Savings Bank (PSB) mismo nanggaling.

Samantala, inaasahan na bago ang araw ng Lunes (Marso 12) ay makakapagpalabas na ang Senado ng kapasyahan kaugnay ng pagtanggap ng mga ebidensiyang inihain ng prosekusyon.

Ito ay matapos na maghain ng pagtutol ang depensa partikular sa pagtanggap ng mga ebidensyang may kinalaman sa bank records ni Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply