Immigration-NAIA sabit sa human trafficking

MALALAGOT ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mabunyag na 31 sa 37 overseas Filipino worker (OFW) na galing sa Syria at dumating kamakailan sa Pilipinas ay naging biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Ito ang napag-alaman mula kay Vice President Jejomar Binay matapos kapanayamin ng mga opisyal ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang mga naturang OFW.

Ayon kay Binay, 31 sa mga OFW ay pawang naging biktima ng sindikato at nakalabas ng bansa dahil sa pakikipag-kutsaba ng mga tiwaling tauhan ng pamahalaan sa pambansang paliparan.

Sinabi pa ng Presidential Adviser for OFW Concerns at Chairman Emeritus ng IACAT na malaking tulong ang isinagawang pakikipanayam sa mga OFW upang masawata ang mga tiwaling opisyal at empleyado na nakikipagkutsabahan sa sindikato ng human trafficking at illegal recruitment.

Inatasan din ni Binay ang konseho na kilalanin ang mga recruitment agency na kumalap sa mga manggagawang Pilipino, upang masampahan ang mga ito ng paglabag sa probisyon ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995.

Sa isinagawang panayam, napag-alaman na 23 sa mga OFW ay naging biktima ng human trafficking at illegal recruitment, habang 25 naman ay dumaan sa illegal recruitment.

Idinagdag pa ng Bise Presidente na ang nag-iisang lalaki na kasama sa mga dumating noong Lunes ng gabi ay naging biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Ang Pinoy OFW na tubong Pangasinan ay nagtrabaho sa isang printing press sa Damascus.

Aniya, apat sa mga OFW ay pawang mga menor de edad nang magpunta sa Syria dahil apat na taon nang nagtratrabaho ang mga ito sa Damascus.

Ibinulgar din ni Binay na 5 sa mga OFW na galing sa Mindanao ay gumamit ng ‘baklas’ na pasaporte o hindi sila ang tunay na may-ari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply