Immigration sa NAIA walang bakasyon

HABANG ang sambayanang Pilipino ay nagkukumahog kung saan gugunitain ang Semana Santa, tuloy naman ang pasok sa trabaho ng immigration at intelligence officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa lahat ng pambansang paliparan at puerto.

Ito ay matapos magpalabas ng memorandum order si Immigration Commissioner sa mga tauhan nito sa mga paliparan at puerto na patuloy na magmatyag at tiyakin na hindi pagsasamantalahan ng mga sindikato sa human trafficking, illegal recruitment, foreign terrorists, drug mules, at mga personalidad na nasa watchlist at hold departure order ang Semana Santa upang makalabas at makapasok ng Pilipinas.

Partikular na kinabahala ng kawanihan ang puerto sa Palawan na ginagamit na ngayon bilang ‘labasan’ ng mga ipinupuslit na Pilipino patungong Sabah, Malaysia.

Sa kanyang direktiba, sinabi ni David na kailangan maging mapagbantay ang mga tauhan sa lahat ng paliparan at puerto para matiyak na magiging ligtas ang Pilipinas laban sa mga masasamang elemento habang ginugunita ng mamamayan ang pagpapahirap ni Hesukristo.

Matatandaan na malimit na gamitin ng mga sindikato sa human trafficking ang Semana Santa upang makapagpuslit ng mga ilegal na manggagawa sa paniniwalang magiging kampante ang mga immigration officer sa mga pambansang paliparan at puerto.

Sinabi pa ni David na dapat matiyak na ang mga aalis na overseas Filipino workers (OFWs) ay may sapat na dokumento tulad ng overseas employment certificate (OEC) mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sa hanay naman ng mga dumarating na dayuhan sa bansa, nais ni David na matiyak na ang mga may malinaw na pakay sa pagbisita sa Pilipinas ang makakapasok, habang ang mga may kaduda-dudang layunin ay agad na isasakay pabalik sa bansang pinanggalingan.

Ayon pa kay David, papayagan lamang niya na makapagbakasyon ang mga immigration officer na nakatalaga sa mga paliparan at puerto kung may mahalagang dahilan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply