Impeachment court hands off sa reso ng SC

HINDI na kukuwestyunin ng impeachment court ang kontrobersiyal na panuntunan ng Korte Suprema kaugnay ng paghigpit sa mga kawani at records laban sa subpoena ng tribunal kaugnay sa nagaganap na impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ito’y sa harap ng pag-alma ni Senator-Judge Francis Pangilinan sa tila pagiging selective ng Korte Suprema sa pagpapadala ng testigo sa Corona trial tulad ng pagtanggi sa ilang subpoena mula sa prosekusyon ngunit pinayagan ang mula sa depensa.

Ayon kay Senate President Juan Ponce-Enrile, may sariling panuntunan ang Korte Suprema at sila lamang ang nakaaalam kung paano ito ipatupad.

Nauna rito, humarap kanina sa impeachment court ang budget officer ng Korte Suprema na si Atty. Araceli Bayuga para sa panig ng depensa na una na ring pina-subpoena ng prosekusyon ngunit hindi natuloy ang pagtestigo dahil sa paghigpit ng kataas-taasang hukuman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply