SC resolution inaabangan na ng impeachment court

NAKAABANG na ang impeachment court sa ilalabas na resolusyon ng Korte Suprema kaugnay sa umiiral na temporary restraining order (TRO) laban sa pagbusisi sa dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, nakahanda sila kung ano ang magiging pasya ng Korte Suprema para galangin.

Matatandaang may reservation ang prosekusyon sa kanilang impeachment article II kung saan nais nilang isama sa asunto ang dollar accounts ng punong mahistrado sa oras na tanggalin ng kataastaasang hukuman ang TRO rito.

Hinamon din ni Enrile ang kinauukulan na magsampa ng kaso sakaling may makita silang paglabag sa batas kaugnay ng pagbusisi o pag-leak ng bank records ni Corona.

Samantala, tinutulan ng panig ng prosekusyon ang pagpa-subpoena sa miyembro ng media na may hawak ng kopya ng statement of assets liabilities and networth (SALN) ng government officials na inilagay sa website ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Batay na rin ito sa 8 pahinang opposition na isinumite ng prosekusyon sa pangunguna ni lead prosecutor at Iloilo 5th District Rep. Neil Tupas Jr. dahil irrelevant aniya ang pagpa-subpoena sa mga media na unang kumuha ng kopya at video ng mga SALN na kanilang ginamit.

Ito ay dahilan sa plano ng Defense panel na ipresenta ang SALN ng government officials at employee para patunayan na marami ang mga hindi nagdedeklara ng kanilang acquisition cost at market value sa kanilang SALN.

Kaugnay nito, umaasa naman ang panig ng prosekusyon na mapagbigyan ng impeachment court ang kanilang inihaing oposisyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply