Impeachment posibleng mag-overtime

ITO ay sakaling naisin ng mga Senator-judge na magsagawa ng paglilitis kahit pa nasa session break ang Kongreso.

Ayon kay Atty. Valentina Cruz, nasa pagpapasya ng mga Senator-judge kung nais nilang ituloy ang paglilitis kahit pa session break dahil wala namang kinalaman sa impeachment trial ang legislative calendar ng Kongreso.

Batay sa legislative calendar ng Kongreso, simula Marso 24 hanggang Mayo 6, 2012 ang kanilang adjournment of session habang sa Mayo 7 pa magbabalik hanggang Hunyo 7 para sa kanilang sine die adjournment.

Pero sa  Marso 12 pa magsisimula ang panig ng depensa sa kanilang paglalahad ng ebidensya para ipagtanggol si Corona laban sa tatlong natitirang impeachment articles ng prosekusyon matapos ang formal offer of evidence kamakailan.

Binigyang diin ni Cruz na wala pang senador ang nagpapahayag na itutuloy ang impeachment habang naka-adjourn ang session ng Kongreso.

Ngayong araw ay pagpapasyahan naman ng mga Senador ang pagpapakulong kay Atty. Vitaliano Aguirre, dahil sa ginawa niyang pagtatakip ng tenga habang nagsasalita si Senator-Judge Mirian Defensor Santiago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply