Impeachment trial gagawin nang buong araw

UPANG maipakita na seryoso ang Senado na matapos ang paglilitis kay CJ Renatio Corona, nagkasundo ang mga senator-judge na gawin sa umaga at hapon ang impeachment trial na magpapatuloy sa Lunes, Marso 12.

Layunin nito, ani Sotto na matapos ang paglilitis bago ang Mahal na Araw at bago mag-adjourn ang sesyon sa Marso 23.

Magsisimula ng alas-9 hanggang 12:00 ng tanghali at alas-2:00 hanggang alas-5:00 naman ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Dahil dito, hindi na magkakaroon ng sesyon ang Senado.

Gayunpaman, nilinaw ni Enrile na hindi pa pinal ang bagong impeachment trial schedule at ipatatawag ngayon ang depensa at prosekusyon kung papayag sila sa bagong schedule.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply