Ina ng batang nahulog sa condo iniimbestigahan na

NAGSASAGAWA na ngayon ng malawakang imbestigasyon ang awtoridad kaugnay sa pagkamatay ng dalawang-taong gulang na bata na nahulog sa ika-apat na palapag ng kanilang comdominium sa Parañaque City kagabi (Marso 8).

Ayon kay Chief Supt. Enrique Sy, inaalam nila kung nagkaroon ng foul play sa pagkakahulog ng biktimang si Jarden Zacaria Gan at taga-unit 4-L ng Avida Tower 6, na nasa Barangay San Dionisio, Sucat, Parañaque City.

Batay sa ulat, kasama ng batang biktima ang kanyang ina na si Andrea isang flight steward bandang alas-10:30 ng gabi.

Nabatid na malapit lamang sa sliding window ang bata nang bigla itong dumungaw at mahulog sa ground floor mula ng condominium.

Binubusisi rin ng awtoridad kung may kapabayaan ang ina ng bata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply