Ina ni Mara umalma sa wanted list ng Interpol

UMALMA ang ina ni Ramgen Revilla na si Genalyn Magsaysay na naisama sa listahan ng mga “most wanted persons” ng International Police Organization (Interpol) ang kanyang anak na si Maria Ramona “Mara” Bautista na sinabing sangkot sa pagpatay kay Ramgen.

Hindi matanggap ni Genalyn na ginawang parang terorista ang kanyang anak kahit pa hindi pa naman napatutunayan na sangkot ito sa pagpatay sa kanyang kapatid.

Mula sa red notice list, dapat ibaba sa blue notice list si Ramona dahil kinu-kwestiyon pa ng pamilya Bautista ang pagkakadawit nito sa kaso at hindi pa naihahayag kung sagkot nga ito sa krimen.

Samantala, nagsagawa ng pre-trial kahapon sa Paranaque City Regional Trial Court (RTC) na dinaluhan ng lahat ng mga suspek maliban kay Ramona.

Naghain naman ng petisyon ang kampo ni Janelle Manahan, dating kasintahan ni Ramgen, at hiniling na tumulong ang pamahalaan para mapabalik sa bansa si Ramona. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply