Inaway ni mister, misis lumaklak ng chlorine

SUNOG ang lalamunan ng isang misis matapos lumaklak ng chlorine nang giyerahin ng kanyang mister sa General Santos City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Salama Palati, 26, tubong Davao del Sur.

Nagsisi naman ang mister ni Palati na ayaw magpabanggit ng pangalan dahil sa kanyang ginawa na pang-aaway sa biktima.

Sa ulat, alas 8:30 kagabi nang awayin ng mister sa loob ng kanilang bahay ang biktima sa hindi pa malamang dahilan.

Dahil sa labis na sama ng loob ay nagtungo sa kusina ang biktima saka uminom ng chlorine.

Sa halip naman na sundan, umalis ng bahay ang mister ng biktima at nalaman lamang ang nangyari nang ibalita sa kanya ng mga kapitbahay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply