Inilaglag na nga, gusto pa raw pagkaperahan?:Jobert Sucaldito umuusok sa galit sa isang award giving body

WELL, kahit sinong publicist naman talaga partikular na itong si Mama Jobert Sucaldito na kapag nakikita nitong inaapi o kinakawawa ang kanyang minamahal na si Laguna Gov. ER Ejercito, talagang makatitikim kung sino man ang mga ito. Sumambulat na nga ang galit ng kilalang entertainment columnist at radio anchor ng DZMM Teleradyo sa Enpress o Entertainment Press Society.

Nag-ugat ang galit ni Mama Jobert nang may nagbigay kay Gov. ER ng solicitation para mag-place ito ng ad sa souvenir program ng ENPRESS worth no less than P100,000. What a big sum, di ba naman? Ang problema diumano ay inilaglag naman ng voting committe itong si ER at sinadyang huwag i-nominate in favor of Dingdong Dantes. Aba’y kung totoo ito, may dahilan nga para magwala sa galit si Mama Jobert na balitang-balita na sa harapan ng mga listener at viewers nila sa showbiz program nila ni Ahwell Paz ay pinunit nito ang mahiwagang solicitation form ng kinamumuhiang ENPRESS.

Sa ganang amin, unfair naman talaga kay Gov. ER na hindi siya mapasama sa nominations for Best Actor category lalo pa’t napanood namin ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story at ang galing-galing ng performance at acting niya rito.

Sana para naging fair ang ENPRESS sa naturang gobernador, isinama nila ito sa nominasyon at wala namang problema kung hindi nila ito panalunin. Nakaiinsulto naman talaga ang pang-iisnab na ginawa nila sa alagang ito ng aming kaibigan pagkatapos hihingan pa nila ng datung! Kalukring gyud!

o0o

Heart Evangelista iniwan na ng bf na si Daniel Matsunaga?

HINDI po hiwalay sina Heart Evangelista at ang papable at papalicious nitong boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Pansamantalang umalis ng bansa ang Brazilian actor at umuwi ng Brazil dahil may tao itong iniiwasan na pana’y ang pagpapadala sa kanya ng death threats. Masyadong naapektuhan ang Brapanese model-actor lalo pa’t hindi siya sanay sa gulo. Kaya’t minabuti na lang nitong magbakasyon muna sa kanilang bansa na kaagad namang naintindihan ng siyotang si Heart. Pero ang tanong, sino naman kaya ang nagbabantang ito sa buhay ni Daniel? Is he a gay or matrona? Just asking lang gyud!

o0o

Barangay Canlalay, Biñan Laguna tinanghal na grand winner sa Barangay Bayanihan ng Eat Bulaga

AMONG the 17 Barangays na finalist para sa monthly awarding ng Eat Bulaga sa Barangay Bayanihan, ang Brgy. Canlalay sa Biñan, Laguna ang siyang tinanghal na grand winner para sa buwan ng Pebrero. Malaking sorpresa ang ibinigay ni Bossing Vic Sotto at ng Eat Bulaga para sa mga Dabarkads nila sa nasabing barangay. Maliban sa libu-libong SOS na sandata sa mga sakuna, pinagkalooban din sila ni Bossing ng bagum-bagong Isuzu Dump Truck na almost half million ang halaga. Lumang-luma na kasi ang dump truck ng barangay at madalas itong masira kaya naaantala ang paghahakot nila ng mga basura rito. Maliban sa binigyan na sila ng bago, ipapagawa pa ng Bulaga ang sira nilang truck. Ang Brgy. Canlalay ang nagwagi dahil naging maayos at maganda ang kanilang pakikipagbayanihan kasama na rito ang libu-libong plastic bottles na i-dinonate nila sa Bulaga na ginawang plastic chair, at maayos na registration at pila.

Labis-labis ang pasasalamat ng lahat nang mga residente rito sa pangunguna ng kanilang Barangay Chairwoman na si Mary Perez Yambao. Personal na nagtungo roon sina Dabarkads Paolo Ballesteros at Ruby Rodriguez para ihatid ang mga nasabing sorpresa at premyong binigay ni Bossing.

Ang dalawang binigyan naman ng special awards ay ang Brgy. 573 & 574 Zone 56, Sampaloc Manila na kinilala ng Bulaga bilang Most Organized Barangay. Pinagkalooban nila ito ng iba’t ibang gamit ng mga guro at 55 na mag-aaral sa kanilang Day Care Center na may dalawang session sa umaga at hapon. Most Cooperative naman ang award na tinanggap ng Brgy. Jesus Dela Pena, Marikina City. Personal na dinala sa kanila ni Julia Clarete ang brand new rubber boat na may kasamang trailer na malaking tulong kapag sila ay binabaha. Next month naman ang announcement para sa March winners.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply