Inoperahan ang mga node sa ilung!

IBINALITA ni Heart Evangelista na ooperahan si Daniel Matsunaga kaya nasa Brazil ngayon ang aktor.

“Papa-opera siya, meron siyang parang… hindi siya makahinga nang maayos kaya may tatanggalin (sa ilong).

“Matagal ng ganun siya, e. Umuwi siya kasi roon talaga yung ano nila, like his family, his sisters are there, kasi solid sila talaga ng pamilya niya so roon talaga siya, pero babalik na siya rito sa April 12,” kuwento ni Heart.

So hindi totoo ang tsismis na may natatanggap na death threats si Daniel kaya umuwi muna sa Brazil.

“Ano ba iyon? No, wala, no. Wala siyang kaaway.”

Magwa-one month ng wala si Daniel sa Pilipinas, at natural lang na nalulungkot si Heart.

“Oo siyempre araw-araw kayong magkasama tapos wala siya.”

Araw-araw naman raw silang nagtatawagan.

“Oo tsaka Skype.”

One month silang hindi nagkikita, may changes ba sa relasyon nila?

“Normal din kasi wala din naman kaming bawalan e, wala kaming… pag andito rin siya I do my thing, wala kaming masyadong ‘Oh, you know we have to…’ hindi masyadong nag-change, lalo na ang saya-saya ko sa bonding namin nina Alex at Lovi.”

Hindi raw nababawasan ang intensity ng pagmamahalan nila.

“Hindi naman.”

May ideal marrying age ba for Heart?

“No but I don’t wanna get married anytime soon.”

Paano kung gusto na ni Daniel?

“Ay hindi puwede, hindi talaga, hindi!

“Hindi pa ako finish sa lahat ng mga gusto ko pang gawin.”

Ano pa ba ang gusto niyang ma-accomplish?

“Basta, hindi ko ma-explain, e. Parang sa isang relationship din na it has to get to a point na there’s nothing to argue about, everybody argues but basic things you don’t have to argue about, e. With your career I have to make sure na… parang alanganin pa ako, e.

“Mahirap i-explain basta you know when you know, but at this point I don’t know yet.”

And if ever kasal na sila at gusto ni Daniel na sa Brazil sila manirahan, hindi papayag si Heart.

“Nandito na yung buhay ko e, tsaka nakilala niya ako rito. “Tsaka ito yung life ko e, rito yung trabaho ko, nandito lahat. Tapos kung sa Brazil siyempre parang… of course love can do anything pero let’s be realistic din, di ba?

“I don’t want to get to a point na baka mag-suffer yung marriage namin dahil kasi iba yung… hindi talaga puwede yung kung ano ang gusto mo.

“Kailangan balance, kundi yung isa, hindi magiging masaya.

“Tsaka maganda na naman ang buhay namin dito, e. Okay lang yung baka-bakasyon na pag marami kaming pera, pupunta kami sa Brazil anytime we want,” aniya pa.

Tamaaaa!

-0o0-

ANG suwerte talaga ng bagets actor na si Ken Chan dahil after ng ‘My Kontrabida Girl’ kasama rin siya sa pelikulang ‘Just One Summer’ under Direk Mac Alejandre. Gaganap siya bilang si Kiel na kaibigan ni Elmo Magalona. Alagang-alaga siya talaga ng GMA Network.

Nananatili niyang inspirasyon ang kanyang crush na si Rhian Ramos. Wala pa sa showbiz ay humahanga na siya rito.

“Yun nga lang po, sobrang starstruck ako,” pag-amin niya.

Kabilang din si Ken bilang isa sa mga tween star ng GMA-7. Kasali siya sa Biritera, Walang Tulugan With The Master Showman at Reel Love Presents Tween Hearts.
Kasama na rin siya ngayon sa Party Pilipinas at nag-guest din siya sa Maynila na next week ang airing.

Masaya si Ken dahil nagmamarka ang role niya sa Biritera bilang Popoy na band member ni Dennis Trillo. Idol niya ang aktor bukod kina Aljur Abrenica at Dingdong Dantes. Gusto niya ang working habit nito na seryoso sa trabaho.

“Isa siya sa mga idol ko noon pa. Mabait po siya at lagi naming nakakakuwentuhan sa set. Minsan nasa isang lugar lang siya at nagbabasa ng script. Kapag nag-take na, doon mo makikita ang husay niya. Mabilis niyang nakukuha ang hinihingi ng eksena. Parang, ‘Wow! Ang galing naman!’ Nakabibilib siya,” sey  niya.

Wish din niyang makasama sa trabaho si Dingdong Dantes. Bilib siya sa mga achievements ng actor hindi lang bilang artista kundi pati rin sa charity works nito at kung ano ang naitutulong nito sa bansa bilang isang personalidad.

Tsuk!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply