Insecure talaga kay Bela!: Marianita tanders na para maghubad

SOBRANG naaaning-aning na yata sa kanyang career itong si Marianita Rivera.

Papano, maliban sa sadsad sa rating ang teleserye nila ng Papa labs na si Dingdong Dantes na My Gilagid, ay My Beloved pala!, mahina na rin ang kanyang karaketan ngayon hindi lang sa endorsement kundi sa mga out of town shows. Kung mayroon man siyang show sa labas, event lang ‘yun ng GMA7, unlike before at the height ng kasikatan ng kanyang career sa Marimar kung saan hindi na sila halos magkandaugaga ng manager na si Popy Caritativo sa pagtanggap ng kaliwa’t kanang offer na shows ng mga promoter.

Pero dahil sa mahina sa English ang babaitang ito, my BFFT Pete A., kahit na naging sikat siya ay hindi talaga siya nakatikim ng offer sa mga social events o corporate shows. Bakit kasi hindi ipa-enrol ‘yan sa speech clinic, no?

By the way, dahil nga sa bagsak na ang popularity ay decided na raw si Marianita na mag-pose ng sexy. Hahaha! Insecure talaga sa tinamasang kasikatan world-wide ni Bela Padilla dahil sa controversial na FHM cover ng young sexy actress this month.

Well, ang tanging masasabi lang namin dito kay Marianita, tanders ka na kaya ipaubya mo na lang sa mga bata at sariwa ang pagbuyangyang sa mga men’s mag na ‘yan.

Kuha mo gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply